Sunday, February 26, 2006

First post: Ang Pilipinas bow

First post sa isa ko pang blog. HAbang ginagawa ko ito, di ko man lamang namalayan na kudeta na pala. napapanood ko sa tv sa labas ang unti unting namumuong kaguluhan sa kalakhang maynila. ano na kayang mangyayari sa pilipinas? makakapag-aral pa kaya ang mga magiging anak ko? malamang. pero anong kalidad kung gayung lahat na lang ng tao sa bansa ay kurapted ng mga maruruming elemento ng lipunan.

Martial law na ba ito? wag naman sana. ayon sa mga testimonya ng mga gurang kong kaibigan at mga inabot ang estado ng bansa sa ilalim ng rehimeng marcos, kahindik hindik na paglabag sa karapatang pantao ang naranasan nila. curfew, warrantless arrest, mga biglang nawawalang personalidad, matitinding patayan, atbp.

Ngayon, may sariling bersyon ang pamahalaan. sana maudlot at matapos na agad ang bantang destabilisasyon. gusto ko pa mabuhay ng matagal. ayaw ko ng martial law. pano na night light? pano na ako? ayaw ko mag isip dahil sa hindi pa nakaka uwi ang kapatid ko galing duty, sa pangamba sa curfew.

Tama na ang madilim na nakaraan ng martial law. ang dali naman ispelingin ng MAGKAISA. mabuti pa nga sina many pacquia at eric morales. nagsusuntukan sila sa ring, pero magkakamayan matapos ang laban. sports lang ikaw nga. e bat naman hindi pwedeng magkabati ang gobyerno, oposisyon, etc. kaya nga naimbento ang makahulugang salita na compromise.